Ang Panginoon Ang Aking Pastol (Salmo 23) (Feat. Veepee Pinpin)

Ang Panginoon Ang Aking Pastol (Salmo 23) (Feat. Veepee Pinpin)

Bubbles Bandojo Rc

Длительность: 4:03
Год: 2003
Скачать MP3

Текст песни

Ang Panginoon ang aking Pastol
Wala akong dapat ikapangambang anuman

Luntiang pastulan
Doon hihimlay
Malinaw na batis
Pamatid uhaw
Sa tamang landas
Ako'y babanaagan
Kay tapat Nya sa akin

Ang Panginoon ang aking Pastol
Wala akong dapat ikapangambang anuman

Dilim at panganib
Siya ang papawi
Bisig N'ya't kapit
Tatag ng dibdib
Ang hain N'ya nga
Ang sagana ng buhay
Tahanan ko'y Kanyang pag-ibig

Ang Panginoon ang aking Pastol
Wala akong dapat ikapangambang anuman

Dalangin ko lamang O Panginoon
Ay pagkabagabag ng kalooban
Kung piliin ko mang maligaw ang pag-ibig
Tawagin Mo at akaying pauwi

Ang Panginoon ang aking Pastol
Wala akong dapat ikapangambang anuman
Ang Panginoon ang aking Pastol
Wala akong dapat ikapangambang anuman