Bagyo

Bagyo

Cup Of Joe

Альбом: Silakbo
Длительность: 3:48
Год: 2025
Скачать MP3

Текст песни

Nakakalimutang pati bahay gumuguho
Inaalalayan mga kaputol na nahuhulog
Lahat sila'y nagpapatuloy ako'y 'di makaalis
Kinabukasang walang katuloy kung wala ka (kung wala ka)

Kapit kahit 'di na matamo (mga matang manlilikha)
Ninakaw mo ang kulay ng mundo (iyong dala hinahangad)
Mahirap pigilan ang pusong ikaw bumuo
Kaya hayaang bumagyo (oh)
'Di man maibalik
Babalik pa rin sa 'yo

Mapait na nakaraan puso ang nagbura
Ika'y nilarawan oh isang anghel nakabakas
Tuluyan na 'kong lumulubog sa lupang kinatatayuan
Luha mo sa labi ko ang tanging inaasam

Kapit kahit 'di na matamo (mga matang manlilikha)
Ninakaw mo ang kulay ng mundo (iyong dala hinahangad)
Mahirap pigilan ang pusong ikaw bumuo
Kaya hayaang bumagyo (oh)
'Di man maibalik
Babalik pa rin sa 'yo

Kalangitan araw at buwan
Lahat isinumpa
Dugo't pawis 'di na maalis
Ito ba'y nakatakda
Kahit na sandali isang saglit
Mayakap ka muli 'to ba'y mali
Kahit na sandali isang saglit
Mayakap ka muli 'to ba'y mali

Kapit kahit 'di na matamo
Ninakaw mo ang kulay ng mundo
(Iyong dala hinahangad)
Mahirap pigilan ang pusong ikaw bumuo
Kaya hayaang bumagyo (oh)
'Di man maibalik
Babalik pa rin sa 'yo