Shantidope (Feat. Gloc 9)
Shanti Dope
3:34Tuloy-tuloy ang halo Ng kutsara sa loob ng tasa na bilog Sige, tapangan mo lang sa tasa na malaki Magpakulo sa kalan, ang magulo, tumabi Para 'di mabanlian ang balat na makati Papalag kahit mainit na tubig lang at kape Sige, tapangan mo lang sa tasa na malaki Magpakulo sa kalan, ang magulo, tumabi Para 'di mabanlian ang balat na makati Papalag kahit mainit na tubig lang at kape Ako si Aristotle, makatang taga-Rizal 'Pag may lapis at papel, tawagin mong kriminal Kasi 'di puwede ang talas na tangan 'pag karibal Tuwing makikipagtalastasan ay tila animal 'Di mahilig sa pasiklaban, ang pakay lamang ay Palawigin ang kasipagan upang makasabay Sa mga bago, humango, patong, puwedeng tumangay Ang gamo-gamong napaso, 'wag ka lang pala-suway Mas mahaba ang sungay ay mas madaling mababali Kapag nagbibigay pugay ka, lagi mong mababawi 'Di na suweldo kundi karaniwan aking binali Tagalog na naiintindihan kahit ano'ng lahi Ang timpla ko ay sa akin lang, matapang, 'di matabang Laging sigurado, garantisado, 'di malamang Binalikat, pinasan, mabigat, 'di magaan Kahit 'di abutan ng tinapay na may palaman Sige, tapangan mo lang sa tasa na malaki (tuloy-tuloy ang halo) Magpakulo sa kalan, ang magulo, tumabi Para 'di mabanlian ang balat na makati (ng kutsara sa loob) Papalag kahit mainit na tubig lang at kape (ng tasa na bilog) Sige, tapangan mo lang sa tasa na malaki (tuloy-tuloy ang halo) Magpakulo sa kalan, ang magulo, tumabi Para 'di mabanlian ang balat na makati (ng kutsara sa loob) Papalag kahit mainit na tubig lang at kape (ng tasa na bilog) Inutusan ni Nanay na bumili sa tindahan Gatas at asukal, laruan na pinaglumaan Nang lumaon, sa Maynila, ako ay napadaan Isang batang mga tula ang dala niyang kayamanan Kahit dehado, sa iba ako'y mukhang bagong salta Kinabisado nang husto ang kakantahin na kanta Peke na sapatos, damit ko na mayro'ng mantsa Sa mga tingin na parang 'di ako matantsa Nakapikit na tumawid, 'di baleng pabaliktad Kahit maalikabok, alam ko na makintab Ang pangarap na umaapoy, naglalagablab Ang basa ko sa pangmamata ay nakakadagdag Ang timpla ko ay sa akin lang, matapang, 'di matabang Laging sigurado, garantisado, 'di malamang Binalikat, pinasan, mabigat, 'di magaan Kahit 'di abutan ng tinapay na may palaman Sige, tapangan mo lang sa tasa na malaki Magpakulo sa kalan, ang magulo, tumabi Para 'di mabanlian ang balat na makati Papalag kahit mainit na tubig lang at kape Sige, tapangan mo lang sa tasa na malaki (tuloy-tuloy ang halo) Magpakulo sa kalan, ang magulo, tumabi Para 'di mabanlian ang balat na makati (ng kutsara sa loob) Papalag kahit mainit na tubig lang at kape (ng tasa na bilog) Tuloy-tuloy ang halo Ng kutsara sa loob ng tasa na bilog