Ala-Ala Nalang

Ala-Ala Nalang

Hambog Ng Sagpro Krew

Альбом: Old School Rap
Длительность: 6:18
Год: 2023
Скачать MP3

Текст песни

Hambog Ng Sagpro Krew
Una sa lahat
Gusto kong magpaalam, lalong-lalo na sa 'yo
Dahil kahit sa'n ako mapunta, palagi mong hawak ang puso ko

Hindi ko ginusto ang ilayo ako sa 'yo, mahal
Ngunit ito ang desisyon ng tadhana at Maykapal
Alam ko din, ako'y magtatagal sa lugar na 'to
Na kung saan wala ka, kaya kulang-kulang ako
Hindi lang araw, hindi lang buwan kundi ilang taon
Tayo ay 'di magkikita, makakaya ko ba 'yon?
Sa tingin ko, hindi, hindi ko kaya
Dahil ako'y mamamatay kapag wala ka

Wala ka na dito sa aking tabi kaya 'di na mapigil ang luha
Gusto kitang makapiling, mayakap, mahalikan, 'yonang 'di ko pa makuha
Dahil ilang kilometro at milya ang ating distansya at ating pagitan
Pangungulila ko sa iyo, 'yan ang resulta ng aking biglaang paglisan
'Di ito madali para sa 'yo, ngunit mas hindi madali 'to para sa 'kin
At alam kong hindi tayo magkakalapit kahit sa isang libong dalangin
Nadadama ang lungkot at poot, hinagpis, at ang pagkabigo, at pasakit
Ngunit gaano ka man kalayo sa 'king puso, palagi kang dito malapit

Iniisip ko kung bakit ganito ang langit, nilayo ako sa 'yo
Hindi ko matanggap, mahirap magpanggap na ako'y hindi bigo
Ngunit 'di ko rin inaasahang mangyayari 'to
Kung ikaw ay alaala na lang, paano na ako?

Binibilang ang mga araw hanggang sa 'king pag-alis
Habang palapit nang palapit, lalo akong nagtitiis
At tinatago ang namumuong lungkot sa 'king damdamin
'Di mo lang alam, 'di ko na kaya, 'di ko lang maamin
Dahil sabi mo sa akin, masaya ka para sa 'kin
'Di mo lang alam, ako'y nalulungkot na para sa 'tin
Dahil tayo'y magkakalayo na walang kalaban-laban
Ang masakit pa doon kung kailan pa tayo nagmamahalan

Nagmahalan tayong dalawa ngunit bakit ito naging plano
Ng kapalarang naging malupit? Ako'y inilayo sa 'yo ng eroplano
Habang ako'y nasa himpapawid, ako'y nakatingin sa mga alapaap
At iniisip na sa alaala na lang ba kita muling makakayakap
At sa gabi, nakatitig sa mga larawan na katabi ko sa 'king kama
Nakatingin at tinatanong, dito na lamang ba tayo magkakasama?
Nasa malayo na ang aking katawang tao at parang pinipilas
Dahil puso ko'y naiwan diyan sa 'yo sa Pilipinas

Iniisip ko kung bakit ganito ang langit, nilayo ako sa 'yo
Hindi ko matanggap, mahirap magpanggap na ako'y hindi bigo
Ngunit 'di ko rin inaasahang mangyayari 'to
Kung ikaw ay alaala na lang, paano na ako?

Ang pilitin kong limutin na sa buhay ko'y wala siya
Ay parang pilit sinusuot singsing na hindi kasya
Dahil habang pinipilit, mas sumasakit nang todo
Kaya buhay ko ay parang musikang wala sa tono
'Di ba puwede naman magsama ang nagmamahalan?
'Di ba puwede naman, wala na din ang hiwalayan?
'Di ba puwede naman, sa pag-ibig walang hadlang?
At puwede ba siya ay ibalik na lang?

Walang matarik na bundok, walang karagatang malalim
Na aking tatawirin, maibalik ka lang sa akin
Dahilan kung ba't nabuhay sa 'kin ang pagkasawi
Ay ang pag-ibig nating tamang nasa oras na mali
At sana 'wag mong palitan diyaan sa puso mo
Pangalan ng lalaki na nagsabi na
"Mahal kita, paalam, at mag-ingat ka palagi" noong aalis na siya
At higit sa lahat, mami-miss kita

Iniisip ko kung bakit ganito ang langit, nilayo ako sa 'yo
Hindi ko matanggap, mahirap magpanggap na ako'y hindi bigo
Ngunit 'di ko rin inaasahang mangyayari 'to
Kung ikaw ay alaala na lang, paano na ako?

Paano na 'ko mamumuhay nito kung sa piling ko ay nawala ang nag-iisang minahal ko?
Makasama ko siya ay isa na lang bang himala?
Alam ko na sa oras na 'to ay nakikinig ka, pinipigil mo ang pag-iyak
Sige, ilabas mo, 'wag pigilin ang emosyon ng iyong puso na nagkabiyak
Dahil ang alaala nating dalawa ay nag-iwan ng sugat na nakamarka
Sino ba naman ang hindi masasaktan kapag nalayo ang tao na mahal ka?
Kung minsan, naisip ko din na 'wag nang ituloy itong nagawa ko na kanta
Dahil malamang, 'pag narinig ko ito, sigurado na maaalala kita

Pero kahit piliting umiwas sa sitwasyon natin ay kusang bumabalik ang mga nakaraan
Kaya titulo ng kanta ko ngayon ay "Alaala Na Lang"
Dahil sa alaala na lang umiikot ang aking isipan na nalilito
At presensiya ng pagmamahal mo sa akin ay dala ko lagi at naririto
Hindi man kita nabigyan ng materyal pero 'di mo alam ay iniwan ako
Ito ang isang bagay na 'di maluluma, 'yon ay ang pagmamahal ko sa iyo
Sana pagkaingatan mo 'yan hanggang sa oras na ikaw ay muli kong balikan
Dahil ipinangako, 'di na 'ko iibig, sa puso ko 'di ka mapapalitan