Balang Araw (Single Version)
I Belong To The Zoo
4:49Ilang daan pa ba ang tatahakin Ilang bundok pang aakyatin Ilang alon pa ba ang haharapin Bago maintindihang hindi ka na para sa 'kin Paano ba gumising katulad mo Paano ba gumising sa'yo Maari mo bang ipahayag Kung paano mo nilimot ang nakaraan Na para bang wala lang Na para bang wala lang Maari mo bang ipaalam Sa pusong iyong nilisan at pinagpalit Kung paano mo kinayang mabuhay muli Alam kong kaya mo akong tulungan Kung paano ka mabibitawan Mga pinagsamahang mga taon Binaon mo lang agad sa kahapon Paano ba gumising katulad mo Paano ba gumising sa'yo Maari mo bang ipahayag Kung paano mo nilimot ang nakaraan Na para bang wala lang Na para bang wala lang Maari mo bang ipaalam Sa pusong iyong nilisan at pinagpalit Kung paano mo kinayang mabuhay muli Sa pag gising ng araw Pupulutin ang sarili Pupunasan ang luha't babangong muli Kahit pa sa mga susunod na araw Ay mag-isang muli Maari mo bang ipahayag Kung paano mo nilimot ang nakaraan Na para bang wala lang Na para bang wala lang Maari mo bang ipaalam Sa pusong iyong nilisan at pinagpalit Kung paano mo kinayang mabuhay muli