Usok

Usok

Mac Mafia

Альбом: Usok
Длительность: 3:00
Год: 2020
Скачать MP3

Текст песни

Gulong-gulo ang isip nakaupo sa gilid naghahanap nalang ng paraan na makahirit
Gustong-gustong ipilit wala paring masilip
Takot na baka humantong nalang sa pagkaidlip makasindi na nga lang (makasindi na nga lang)
Baka sakali na umayos pa ang sarili makasindi na nga lang (makasindi na nga lang)
Baka sakaling tumino mula sa pagkawili

Di makausad di makasulat palagi nalang nakaasa sa bukas ang bagay na nais iulat
Gusto ko man na mamulat di magawang makiusap
Ano bang kailangan upang itong mga ideya ko ay sumambulat
Nanlalamig ngayo't hindi alam kung pa'no ba ipahiwatig ng mabuti ang aking nadarama
Di ko na alam kung alin ba ang mas mahalaga hay nako hindi ko na alam kung sa'n 'to papunta

Makasindi na nga lang tila ba dami pang alinlangan
Di man kailangan di maiwasan babalik pa ba sa nakasanayan uh
Gusto ko man na iwanan tila baon pa rin kahit labanan
Di nakayanan pinapagapang madalas di nalang dinadamayan uh
Pa'no ba babangon kung baon pa sa kahapon tila ba kinalimutan nang imulat nung naglaon uh
Yeah yeah yeya tila ba kinalimutan nang imulat nung naglaon uh

Gulong-gulo ang isip nakaupo sa gilid naghahanap nalang ng paraan na makahirit
Gustong-gustong ipilit wala paring masilip takot na baka humantong nalang sa pagkaidlip
Makasindi na nga lang makasindi na nga lang baka sakali na umayos pa ang sarili
Makasindi na nga lang makasindi na nga lang baka sakaling tumino mula sa pagkawili

Gulong-gulo ang isip (makasindi na nga lang tila ba)
Nakaupo sa gilid (dami pang alinlangan di man kailangan)
Naghahanap nalang ng paraan na makahirit (di maiwasan babalik pa ba sa nakasanayan uh)
Gustong-gustong ipilit (gusto ko man na iwanan tila baon parin)
Wala paring masilip (kahit labanan di nakayanan)
Takot na baka humantong nalang sa pagkaidlip (pa'no ba babangon kung baon)
Makasindi na nga lang (pa sa kahapon tila ba)
Baka sakali na umayos pa ang sarili (kinalimutan nang imulat nung naglaon uh)
Makasindi na nga lang (tila ba)
Baka sakaling tumino mula sa pagkawili (kinalimutan nang imulat nung naglaon uh)

Pa'no ba babangon kung baon pa sa kahapon
Tila ba kinalimutan nang imulat nung naglaon uh yeah yeah yeya
Tila ba kinalimutan nang imulat nung naglaon uh