Nandito Ako

Nandito Ako

Ogie Alcasid

Альбом: Ogie Alcasid
Длительность: 4:09
Год: 1990
Скачать MP3

Текст песни

Mayro'n akong nais malaman
Maaari bang magtanong?
Alam mo bang matagal na kitang iniibig?
Matagal na 'kong naghihintay

Ngunit mayro'n kang ibang minamahal
Kung kaya't ako'y 'di mo pinapansin
Ngunit gano'n pa man, nais kong malaman mo
Ang puso kong ito'y para lang sa 'yo

Nandito ako, umiibig sa 'yo
Kahit na nagdurugo ang puso
Kung sakaling iwanan ka niya
Huwag kang mag-alala, may nagmamahal sa 'yo
Nandito ako

Kung ako ay iyong iibigin
'Di kailangan ang mangamba
'Pagkat ako ay para mong alipin
Sa 'yo lang, wala nang iba

Ngunit mayro'n ka nang ibang minamahal
Kung kaya't ako'y 'di mo pinapansin
Ngunit gano'n pa man, nais kong malaman mo
Ang puso kong ito'y para lang sa 'yo

Nandito ako, umiibig sa 'yo
Kahit na nagdurugo ang puso
Kung sakaling iwanan ka niya
Huwag kang mag-alala, may nagmamahal sa 'yo
Nandito ako

Oh, nandito ako, umiibig sa 'yo
Kahit na nagdurugo ang puso
Kung sakaling iwanan ka niya
Huwag kang mag-alala, may nagmamahal sa 'yo
Nandito ako

Nandito ako