Maniwala Ka Sana

Maniwala Ka Sana

Parokya Ni Edgar

Альбом: Khangkhungkherrnitz
Длительность: 3:17
Год: 1997
Скачать MP3

Текст песни

Nung una kitang nakilala di man lang kita napuna
Di ka naman kasi ganoon kaganda di ba
Simpleng kabatak simpleng kabarkada lamang ang tingin ko sa 'yo
Di ko talaga alam kung bakit ako nagkakaganito
Ako'y napaisip at biglang napatingin di ko malaman kung anong dapat gawin
Dahan-dahan nag-iba ang pagtingin ko sa 'yo
Gumanda ka bigla at ang mga kilos mo'y nakakapanibago
Napansin ko na lamang na nalalaglag ang aking puso
Bad trip talaga na-i-in lab ako sa 'yo
Tuwing kita'y nakikita ako ay napapangiti
Para bang gusto kong halikan ang iyong mga pisngi

Minamahal kita ba't di ka maniwala
Anong kailangan kong gawin upang seryosohin mo
Ang aking sinasabi tungkol sa pag-ibig ko sa 'yo
Maniwala ka sana minamahal kita

Nasira na yata ang ulo ko kaiisip ko sa 'yo
Kahit saan tumingin ay mukha mo ang nakikita ko
Pero bakit para kang naiilang ako ay iyong iniiwasan
Ako'y nahihirapan uy wala namang ganyanan
Pakiramdam ko ngayon ako ay nagmumukhang gago
Ngayon ako'y nagsisisi kung bakit ako nag I love you
Kasi di na tayo tulad ng dati
Ngayon sa akin ay diring-dire

Minamahal kita ba't di ka maniwala
Anong kailangan kong gawin upang seryosohin mo
Ang aking sinasabi tungkol sa pag- ibig ko sa 'yo
Maniwala ka sana minamahal kita

Minamahal kita ba't di ka maniwala
Anong kailangan kong gawin upang seryosohin mo
Ang aking sinasabi tungkol sa pag- ibig ko sa 'yo
Maniwala ka sana minamahal kita