Ama Kong Mahal (Feat. Rey Malipot)

Ama Kong Mahal (Feat. Rey Malipot)

Peter Pojol Sj

Альбом: Far Greater Love
Длительность: 4:23
Год: 2000
Скачать MP3

Текст песни

Ang panginoon ang kaligtasan ko
O ama ikaw ang aking ilaw magpakailanman

Ang panginoon ang kaligtasan mo
O ama ikaw ang aking ilaw magpakailanman

Walang ikatatakot ang aking buhay
Amang mapag-aruga ang aking takbuhan
Maging ang karimlan ma'y magbadya ang sindak
Kapiling ko ang ama kong mahal

Ang panginoon ang kaligtasan mo
O ama ikaw ang aking ilaw magpakailanman

Ako ma'y pagtangkaan nilang ilayo sa iyo
Pagbantaan man akong bihagi't hamakin
Ikaw ang magkakalas ng pusong nakagapos
Kalasag ko ang ama kong mahal

Ang panginoon ang kaligtasan mo
O ama ikaw ang aking ilaw magpakailanman

Ang 'yong pananahan sa aba kong puso
Mukha mong maamo at tinig mong kay tamis
Ay hanap-hanap ko saan man maghantong
Tahanan ko ang ama kong mahal

Ang panginoon ang kaligtasan mo
O ama ikaw ang aking ilaw magpakailanman
Ang panginoon ang kaligtasan ko
O ama ikaw ang aking ilaw magpakailanman