Akin Ka Na Lang
The Itchyworms
3:04Nakasimangot ka na lang palagi Parang ikaw lang ang nagmamay-ari ng lahat ng sama ng loob Pagmumukha mo ay hindi maipinta Nakalimutan mo na bang tumawa Eh sumasayad na ang nguso mo sa lupa Kahit sino pa man ang may kagagawan ng iyong pagkabigo Ay isipin na lang na ang buhay kung minsan ay nagbibiro Nandirito kami ang barkada mong tunay aawit sa iyo Sa lungkot at ligaya hirap at ginhawa kami'y kasama mo Kung sa pag-ibig may pinag-awayan Kung salapi ay huwag nang pag-usapan tayo'y 'di nagbibilangan Kung ang problema mo'y nagkatambakan At mga utang 'di na mabayaran Lahat ng bagay ay nadadaan sa usapan Kahit sino pa man ang may kagagawan ng iyong pagkabigo Ay isipin na lang na ang buhay kung minsan ay nagbibiro Nandidito kami ang barkada mong tunay aawit sa iyo Sa lungkot at ligaya hirap at ginhawa kami'y kasama mo Kung hahanapin ang kaligayahan Maging malalim o may kababawan sa' yo ay may nakalaan Kami'y asahan at wag kalimutan Maging ito ay madalas o minsan 'Pagkat iba na nga ang may pinagsamahan Kahit sino pa man ang may kagagawan ng iyong pagkabigo Ay isipin na lang na ang buhay kung minsan ay nagbibiro Nandidito kami ang barkada mong tunay aawit sa iyo Sa lungkot at ligaya hirap at ginhawa Sa lungkot at ligaya hirap at ginhawa kami'y kasama mo (kasama mo) Kasama mo (kasama mo) Kasama mo (kasama mo kasama mo) Kasama mo Kasama mo (kasama mo) Kasama mo (kasama mo) Kasama mo