Exercise Boogie

Exercise Boogie

Yoyoy Villame

Длительность: 2:38
Год: 2009
Скачать MP3

Текст песни

Isa dalawa tatlo apat
Tayo ay lumundag
Lima anim pito walo
Tayo ay lumukso
Kayong lahat natutulog gumising na kayo
Halika na't mag exercise tayo

Halika ka na baby
Tayo'y mag rock 'n roll
Pag exercise natin ang mga masols
Huwag ka sanang magtatamad tamaran lundagin mo baby ang
Ating bakuran ng gumanda ang katawan at lumiit ang iyong tiyan

Gumising ka baby ng maaga
Lumabas ka agad takbo sa kalsada
Lumundag ka baby
Lumundag ka
Tumambling ka baby
Tumambling ka
Yan ang magandang pang exercise sa tuwing umaga

Kahit nasa gabi pag hilig ka sa night club
Pwede kang mag disco ng palundag-lundag
Sumayaw ka baby ng boogie at cha-cha
Upang pag pawisan ang iyong paa
Yan ang magandang exercise ng wag kang tumanda

Everybody go
Exercise tayong lahat
Exercise boogie
Tara mga lolo mga lola
Mga payat mga taba
Mga malalaking tiyan
Hala sumunod kayo sa akin
Mga bata exercise tayong lahat

Isa dalawa tatlo apat
Tarzan ay lumundag
Lima anim pito walo
Cheetah ay lumukso

Si Asyong Aksaya ay lumangoy sa dagat
Kasama ni Charlie balakubak sa may Roxas Boulevard
Hanggang baclaran mga bata't matatanda'y nagsisitakbohan
Sila'y masasayang nag jojogingan
Magpa tumbling tumbling pa kung minsan
Masasaya pa rin sila kahit na humihingal

Nag exercise lahat mga matataba doon sa may luneta aking makikita
Kahit ang may pilay o may pigsa kasama rin doon pati ang may hika
Silang lahat panay ng exercise na masisigla

Doon sa aming bukid
Ang lola at lolo
Madaling araw ay nakikinig na ng radio
Sila'y nag exercise ng alas singko
Dala-dalang transistor pag nag araro
Pati ang hakbang ng kanyang kalabaw ay tumi tiyempo

Pati ang mga fishermen
Pag nangingisda may dala-dalang transistor sa kanilang bangka
Sila'y nakikinig na masasaya
Hangang nanghuhuli sila ng isda
Sumasabay sa pagkimbot pati ang kanilang bangka

Sumasabay sa pagkimbot pati ang kanilang bangka
Kaya dapat mag exercise ang buong madla