Love Story Ko
Gloc-9
3:481995 Sana'y maibigan mo'ng pasalubong ko Na aking dala mula sa malayo Alam kong kay tagal mo nang hinihiling ito Pasensiya ka na kasi nag-ipon pa 'ko Bigay ko 'yan sa 'yo, sana'y malaman mo Na lagi kang laman ng isip at puso ko Dahil wala ako, ang makakaya ko lamang Ay punuin ng pagmamahal ang kahon na ito 1996 Bagong sapatos na Nike para kay Joey Pandalagang pabango na ibinilin ni Corie Robot na nagiging kotse sa bunso ko na pogi Nakalimutan ko 'yong wallet ni Tita, teka, sorry 'Yong tsokolate at sabon na lamang, bawi ako Sa susunod na bagahe, sana'y mapadala ko Kung mayro'n pa kayong gusto, sabihan niyo lang ako Ibibigay ko palagi, basta't sumuweldo ako Ang kumot na makapal para sa higaan ni Tatay Malambot na mga tuwalya na para kay Nanay May nakaipit na panyo, ingatan, pakialalay Baka mahulog 'yong singsing at hikaw, sana bumagay 'Pag kapos kayo minsan ay puwede niyong isangla 'Di man gano'n kalaki, puwede na rin kaysa wala May mga larawan akong sinama sa bandang baba Lagi akong nakatawa para 'di mahalata ang lungkot ko dito Sana'y maibigan mo'ng pasalubong ko Na aking dala mula sa malayo Alam kong kay tagal mo nang hinihiling ito Pasensiya ka na kasi nag-ipon pa 'ko Bigay ko 'yan sa 'yo, sana'y malaman mo Na lagi kang laman ng isip at puso ko Dahil wala ako, ang makakaya ko lamang Ay punuin ng pagmamahal ang kahon na ito 1997 Alam kong natagalan, 'kala ko hindi na nga darating Ang galing, parang isang himala Nasa tapat na ng pintuan ako'y ibinaba Ngiti na 'di matatawarang kasabay ng tuwa Agad na binuksan ang yupi-yupi kong kahon "Dali na, bilisan," sinisigaw pero bulong 'Di na 'ko makahinga sa dinami-dami nitong Nilagay ng nagpadala na kung tawagin ay Long Lahat ng kita nilaan, ang siyang matitira pa Ay ipinangbibili ng pasalubong nila Mapagbigyan lang ang hiling ay nakakota na siya Wala para sa sarili, ito ay sa kanila Ganiyan sila doon, tumataya ng luha at hirap Ako ay kahong naglalaman ng sipag at sikap Kalakip ng litrato ay may nakatuping sulat Pinadala na niya lahat, dahil hindi na mumulat Mga mata ni Long, pilit mang tinatanong Maraming ganitong kuwento, 'di 'to nagkataon Parang patibong kasi magpahanggang ngayon May pasalubong o sinasalubong na kahon Sana'y maibigan mo'ng pasalubong ko Na aking dala mula sa malayo Alam kong kay tagal mo nang hinihiling ito Pasensiya ka na kasi nag-ipon pa 'ko (1998) Bigay ko 'yan sa 'yo, sana'y malaman mo Na lagi kang laman ng isip at puso ko Dahil wala ako, ang makakaya ko lamang Ay punuin ng pagmamahal ang kahon na ito Sana'y naibigan mo'ng pasalubong ko Pasensiya ka na